100 Facts about me: #1-#10

Iniisipan ko kung paano kong ipasimula ang aking munting Taglish na blog, kaya na nga ito ang aking pambungad na post.

  • Mayroon akong dugong-Kastila ako sa pamilya ng aking yumaong Tatay.  Naalala ko pa isa sa aking tiyuhin na typical Kastilaloy na kastilaloy – blonde na ang buhok at me kalakihang ilong.  Noong unang sumakop ang mga Amerikano, napilitan ang pamilya ng tatay ko na palitan ang pangalan mula sa “Santiago” dahil sa napakakaraniwan ang apelyidong iyan.
  • Isa pa sa mga tiyuhin ko sa pamilya ng aking Tatay ay si Jose Mossesgeld Santiago-Font.  Siya ang unang Pilipino na nakatuntong sa La Scala sa Milan, bilang si Sparafucile sa operang “Rigoletto” noong 1928.  Pero na nga, sa totoo lang, wala na naman akong hilig sa opera – di ko pa rin ma-gets talaga.
  • Pag ipabigkas ko ang aking pangalan, kadalasan di ako masyadong pinahirapan ng mga sikyo lalo na nga sa mga malalaking gusali.  Napapansin ko nga yan noong panahon na nagpapa-sales call at business appointment sa mga hotels at high-rises sa Makati.  Akala nila palagi, dugong-banyaga ako (heheheh)
  • Ang unang tanong sa akin sa mga babae naman ay “Intsik/Hapon/Koreano ka ba?”
  • Madali lang talaga akong makipag-kaibigan, kahit maraming akala nila sa akin masyadong isnabero
  • Madali ko rin sumabay sa agos ng kina-iisipan ng mga kabataan…masasabi mo nga isip-bata (daw) ako
  • Wala sa loob ko ang paglalait sa mga bading o tibo – mula noong college, nang sumali ako sa Teatro Tomasino, marami akong naging kaibigan ko na LGBT.  Bago naman ako pumasok sa official theater guild ng aking kolehiyo, minsan pinagtatawanan ko mga baklang nagtitinda ng pagkain habang naka-ROTC pa kami.
  • Nakatapos naman ako ng elementary sa apat na taon lang.  Kadalasan naka-anim o pito na taon bago maka-graduate,  pero napa-accelerate ako mula Grade 3 hanggang Grade 5 sa loob ng isang taon.
  • Sa buong kabataan, Manila boy na Manila boy ako.  Lumaki ako sa may Sampaloc na me kalapitan man lang sa UST – kaya nga napunta ako roon pagdating ng kolehiyo.  Aaminin ko naman na napapahinayang pa rin ako hanggang ngayon kung bakit di ako nakapasa sa UP entrance exam.
  • Noong elementary ako, napupuna ko naman kung bakit ako lang sa klase ay walang me-sundo na drayber o yaya man.
Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under Ako ako ako lahat na lang ako

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s