Parang kahapon lang…

Habang tuloy tayo’t husgahan si Willie Revillame sa korte ng social media – emphasis on the “social” as in “sosyal” – parang nakakalimutan natin ang kaso naman ni Kris Aquino na palaging binibitbit niya ang kanyang anak na si “Baby” James Yap Jr.


Baby James campaigns for “Villar”


Kris and “Bimby” (her pet name  for Baby James) doing powdered milk TV ad spot

Aaminin ko, kung sukang-suka ako sa ugali ni Willie Revillame, mas higit pa naman ako kay Kristeta.  Isa pa nga, pwede rin isalang rito si Boy Abunda – pero ipatabi ko na lang muna ang hitad na iyan.

Pareho silang gustong mangilusyon na feeling-Oprah sila…kung si Willie mahilig siyang mapagbigay ng kotse’t bahay sa live studio audience niya, si Kris naman gusto niya pa-endorse endorse naman ng produkto kaliwa’t kanan.   Mayroon rin ila’t ilan mga product lines na me pangalan niya.  Mayroon rin akong binabasa ng blog sa antipinoy.com na nakakasaad ang pagiging masyadong matakaw sa atensyon ang Kristetang iyan.  Gusto niyang palaging kinasasabihan na magaling siya sa kung anu’t anong larangan pinapasukan niya.

Noong naging pangulo ang kanyang kapatid na si Noynoy, ako’y sumama sa maraming kinatatakutan na lalabas si Kris bilang panibagong Imelda Marcos, na dapat lang puro mabuting balita ang makarating sa kaniya.  Maski’y anu’t anong masasabi mo laban kay Imelda, aaminin ko na mas masasakay ko ang lola kaysa ke Kristetang sa boses lang, nakakaIIIIRRIIIIIIITTAAAAA!!!  To be honest, Imelda can also be equally overbearing – after all, that’s where the word “Imeldific” came from – but not to the levels that Kris Aquino has time and again exhibited in not a few TV appearances.

Ang pangit naman minsan sa ugali natin me doble standard tayo manghusga, lalo na nga kung maraming Pinoy mahilig sumawsaw sa kung paanong trending sa local blogosophere.  Kung tayo, minamaliit natin ang magulang ni Jan-Jan na pinayagang magsayaw sa Willing-Willie, bakit iba ang reaksyon natin sa pagbibihis ni Baby James na ala-Michael Jackson rito???


Kris Aquino’s “edutainment” CD “We Are One” (w/ Baby James Yap) certified platinum

Mayroon rin akong nabasa sa ilang threads sa bulletin board kung ilang mga sektor rito mabilis tayo manghusga sa mga katulad ni Willie, na lumaking mahirap at hiwalay pa ang magulang, na medyong “yumayabang” lalo na kung di siya marunong magsalita ng Ingles na diretso, lalo pa maggamit ng Twitter.   Pero kung ikaw naman ay katulad ni Mo Twister, maituturing ka na “candid” o “irreverent” ‘coz you speak like an American, ‘yo?

Mayroon kasabihang sa Ingles, “different strokes for different folks” na kinahuhulugan rin iyan.

Advertisements

1 Puna

Filed under Ang Pinoy Talaga!!!, BIzSYO

One response to “Parang kahapon lang…

  1. The issue is not whether minors are allowed to appear on TV. The issue with WR is whether there was CHILD ABUSE or not. A 6-year-old, obviously in distress, gyrating like a male stripper, while being laughed at by the audience and egged on by the host Willie Revillame, is CHILD ABUSE. You’d have to recalibrate your moral compass if ever that passes as “entertainment” for you.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s