Is it not too late to bring back the Pinoy action movie?


Fernando Poe Jr. (FPJ) and Joseph Estrada in 1961’s “Baril sa Baril”


FPJ does his Zorro thing in Lea Productions’ “Andalucia” (1976)

Naalala mo noong unang panahon nang ang mga lalaking bida sa sinehan ay di maidudahang mga lalake?  Ihalo mo sa timpla isang seksing probinsyana na nagpapahanap ng saklolo at isang kontrabida na kadalasan ay makapangyarihan – minsan hacendero man o isang meyor na kurap.  Ayun – sumindi na ang tindi ng galit ng isang tunay na lalaki (lalo ng pagkatapos siyang tumungga ng ilang boteng San Mig) na mistulang apoy ng ngungiliyab sa isang kaban ng bulak.

(wow…pwedeng iyang pang-pamagat ng isang pelikula yata iyan)


Ramon Revilla (Sr.) in 1974’s Kapitan Eddie Set (Mad Killer ng Cavite)


FPJ in the original “Pitong Gatang” (w/ Zaldy Zshornack)

Masdan mo mga pangalan nito – sina FPJ (“Da King” of Philippine Movies), Joseph “Erap” Estrada, Ramon Revilla Sr., ang magka-pinsang Lito at Jess Lapid, Efren Reyes Jr., Bomber Moran, Paquito Diaz.  Aba siempre, huwag natin makalimutan si Robin Padilla, noong itinuring siyang “Bad Boy” of Philippine movies.

Naaalala mo pa noon na halos linggu’t linggo me bagong palabas sa sine na mamasdan mo gawang-Pinoy.  At that time, we didn’t have to worry about going all 3-D, all that we needed was to get this hot action star, an all-too-willing nymphet, a bad guy rich with colourful lines to get the bida all pissed off – and filmmakers were practically singing all the way to the bank.

Noong araw , masasabi  na humigit-kumulang  ng 350 mga pinalabas ng mga malalakihang movie studios rito taun-taon.  Ngayon, ayon sa isang dating movie producer, masasabi man mga 30-35 na lang ang ipinakita bawat taon.  Nandoon rin ang mga inihaing ng mga kawawang producer, ang pagagastos sa pagagawa ng isang pelikula rito, binubuwis na kaliwa’t kanan; di pa rin sapat ang pagkaroon ng film subsidies para ipopondo ang mga produksyong matitino naman.  Ang walang-hinintuang pamimirata ng mga pelikula ay ipinasisi rin ng mga producers; sa totoo lang, dahil din roon, lalong humihina rin ang benta sa takilya para sa mg sine rito.  Sinasabi nila nga na ang pagiging mahigpit ng MTRCB (Movie & Television Review & Classification Board) tungkol sa paggawang bida ang buhay ng mga kriminal, maski man ang pagbabawal ng SM Cinemas sa pagpapakita ng mga R-18 na palabas sa sinehan nila ang nagpalala sa paghihingalo ng pelikulang Pilipino.

Is it too late to resuscitate the Pinoy action movie – in all its cornball, campy glory?  How about a remake of “Pitong Gatang”, maybe with Manny Pacquiao in the role popularized by FPJ (he can even cover Fred Panopio’s “Pitong Gatang” theme)?  In a post over at manilatonight.com, I once mulled over a proposed “hard-action” movie that would star real-life couple Derek Ramsey (arguably one of the few leading men in contemporary Pinoy cinema who won’t look ridiculous wielding a gun) and Angelica Panganiban along with Robin Padilla as a villain.


Trailer for 2008 Thai movie “Chocolate”

I would suggest that whoever should direct said movie should look up to that film and similar ones (Ong-Bak comes into mind) in order to capture a harrowing action-driven narrative that need not slavishly rely on tired Hollywood tropes (that is, none of that typical Jerry Bruckheimer shit) to hook in a paying Pinoy audience.  Said movie can highlight Pinoy fighting styles like kali-eskrima alongside karate, taekwondo, muay-thai kick-boxing and kung fu.

Aaminin natin, di kaya pantayan ang linalabas ng India, Japan o Korea, pero kung tinatalo na tayo ng Indonesia at Thailand sa larangan ng sine, aba dapat ibahin  natin ang ating stratehiya para mapansin tayo sa mga global film markets.  “Wag rin kaligtasin ang OFW market na medyong magastahin – dapat ipakinabangan natin ang pagiging mapili nila lalo nga sa mga maraming mapipilihan nila roon.  Hindi lahat sila magagandahan sa sobrang pa-tweetums-tweetums o sa ka-horror-horroran.

Masasabi man na pag medyong nalugmok, walang ibang paraan kundi bumangon at lumaban…ayun!!  Parang pwedeng gamiting pamagat ng isang screenplay!!!

Advertisements

1 Puna

Filed under BIzSYO, Monkey Business

One response to “Is it not too late to bring back the Pinoy action movie?

  1. wala kasing pangil ang batas laban sa pamimirata ng pelikula at kawalan ng suporta rin siguro lalo pa’t nababaling ang atensiyon ng consumer sa mga imported na pelikula.

    kung sining at sining lang, magaling ang filipino. makikita ito halos sa mga indie films na kasalukuyang pinaglalagakan ng talento ng mga nasa sining ng pelikula.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s