Bishops and their “sweet” rides


PCSO head’s revelation regarding the “Pajero 7” bishops


Presidential spokesman Edwin Lacerda’s response to reports of the CBCP being used as a mouthpiece of former President Gloria Macapagal Arroyo to attack the current administration

Naalala ko ang isa sa mga binigkas ng aking dating ka-opisina na kung bakit muling tumiwalag siya sa Simbahang Katoliko.   Namasdan niya ang isang pari na kasineselebra ng misa sa isang simbahan,  umaalis siya naka-Expedition pa habang mga nagsi-attend roon binabasa sa ulan.

Sa totoo lang, kung ang mga kinakatawan ngayon ng Simbahang Katoliko mga maaanghang magsalita katulad ni Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos o mga ga-klosetang okraydorang na si Bishop Inidoro Patani at pati na si dating Arsobisopo Asscar Cruz, mag-Buddhist na lang ako.

Ayun sa 2009 Commission on Audit report na linabas ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Director Atty. Aleta Tolentino, mga simbahan nito ang nakakuha ng mala-pork barrel mula sa kanila:

  1. Php 1.7 million – Diocese of Butuan
  2. Php 1.5 million – Zamboanga Archdiocesan Social Action Apostolate
  3. Php 1.44 million – Archdiocese of Cotabato (to purchase a service vehicle)
  4. Php 1.125 million – Roman Catholic Prelate of Isabela, Butuan
  5. Php 750, 000 – Caritas Nueva Segovia

Ayun pa kay dating Arsobisopo Asscar Cruz, itong mga bishops – na tinuturing niya ang “Malacanang Diocese” dahil raw sa kalapitan nila kay dating Pangulong Arroyo  – ay rinegaluhan ng mga mamahaling mga SUVs:

  1. Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos (2 pa!!!)
  2. Cotabato Rev. Orlando Quevedo
  3. Sorsogon Msgr. Augusto Laban
  4. Iligan City parish priest Fr. Roger Lood

Pero naman, kailangan pa ba naman gamitin ang salitang “Pajero” sa halip ng “SUV”?   Eh sa ilang wikang Kastila, ang salitang “Pajero” ay mayroong bastos na kahulugan.   Para gisingin ang alaala ninyo, itong damuhong si de Dios Pueblos ang unang bumigkas na dapat mag-resign daw si Noynoy Aquino sa pagka-Pangulo noong kapapaglipas ng buwan.   Ani ni Sorsogon Rev. Laban, “I appeal to Your Excellency for a service vehicle which will be used mainly to transport the poor and indigent parishioners who are in need of medical help and services in the nearby and remote areas of the parish”   Si Lood naman, nag-request siya ng Pajero para sa programa nila ng kanyang simbahan laban sa droga (WTF????).  Sa totoo lang, mamamasdang rin gamitin nila ang kanilang mamahaling sasakyan para mamik-ap ng mga bagets.

Ang pakana ni dating Pangulo Arroyo noon, ani Tolentino, nang nasa gitna pa siya ng “Hello, Garci”  scandal, gusto niyang akitin muli ang CBCP sa hilera niya habang binabalak sila magsitiwalag sa kanyang administrasyon noon.  Ginigiid pa ni Senator Panfilo Lacson na mistulang bribery na ang maging kaso ni Arroyo kung matutupad na katotohanan niyan.

Nakakasuklam isipan, no???

Balak rin ni Sen. Lacson na pati mga “guilty” na bishops, dapat rin kasuhan, at kung pinatunayan, ipakukulong pa.  Dapat huwag silang daanin na mas mataas sila sa batas palibhasa’y mga tau-tauhan sila ng Diyos…, dapat ikulong sila, mala pedopilya o pandarambong man.

’till then…peace out!

Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under Ang Pinoy Talaga!!!, Banal na Aso Santong Kabayo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s