SONA, so good….so what?

Ito’y ang pambungad sa kasalukuyang State of the Nation Address (SONA) na binigay ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III (aka PeNOY) sa harapan ng Batasang Pambansa noong Lunes.

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan;

At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss:  Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat at sagisag po ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.

Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan. Kung makaasta ang kanilang mga padrino’t alipores, akala mo’y kung sinong maharlika kung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.

Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga ay ‘di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?

Sundan mo ang kabuuan ng transcript rito.

Sa totoo lang di ko na nga masyadong sinusundan, dahil iyan ang kadalasang binubuga pagdating ng kataun-taong SONA-SONAhan.  Aaminin ko, parang maganda ang patakaran niyang gawing Tagalog ang SONA niya, at medyong pinaikli pa, mamamasdan pa rin ang kakulangan sa kalamanan.  Parang pandesal na pinahiran ng mantekilya, kulang pa rin sa lasa.  Sa totoo lang, habang tuloy kong binasa ang kanyang SONA, napalala ko sa pagiging kongkreto mga pinatunguhan niya.  Medyong walang-wala na mga motherhood statements na pampalubag-loob sa mga kakulangan ng mga nakalipas ng administrasyon.


Wourd of the Lourd…SONA edition

Sabihin mo ang wang-wang ang sumasagabal sa daloy ng trapik pag sinasabitan ka ng rush hour – di ka ba kinaiinisan pag ginagamit iyan ng mga nasa harap mo?  O ayan, pinagbawalan mo na nga ang wang-wang para makipagtunay na sa kasalukuyang administrasyon mo, dapat wala nga mga kurap, lahat tayo’y pantay-pantay mahirap man o mayaman.

Mamamasdan mo ang pagiging obsessed daw ni Noynoy sa imaheng wang-wang bilang metaphor sa mga nagsasabal sa kanyang mga pinangako sa paglipas na taon.  Nandoon na nga ang pagiging masyadong mag-aangkat ng bigas mula sa mga kapitbahay sa Asya; eh saan na nga ba napatuto ang Thailand at Biyetnam na laguin ang pagtatanim nila ng bigas?  Saan pa kundi sa IRRI dito – noon pang panahon ni Marcos (sa tingin ko, karapat-dapat pa na ba ibalik ang Green Revolution inilunsad niya noong kaumpisahan ng Martial Law?)   Medyong me angat sila sa amin dahil sa pagiging malawak ang planting area nila at medyong ligtas sila sa mga typhoons na dinadaan rito taun-taon.

Merong din siyang itinataguyod na isang Poverty Reduction Program na balak na pilian ng isang daang libong mga pamilya para bigyan ng maisasabing mga incentives para umunlad sila sa kabuhayan nila na di na sila kailangan umasa sa “OFW dollars” ngayon naghihigpitan mga ilang bansa sa pagtatrabaho ng mga Pinoy roon.

Oh sige, kung tayo mga mamayanan ang inyong “boss”, bakit di pa sinagutan ang patakaran ninyo para sa Hacienda Luisita?  Itong RH Bill, dinaan sa referendum, karamihan tayo rito, mala-Katoliko man o hindi, aprub na – eh bakit pa sinagabal sa pagpasa (dahil ba sa kanyang pagdidiyalogo kina Cardinal Rosales & Vidal?)  Puwede ba dapat rin ipasa ang 100% foreign ownership rito sa mga international investors na me balak magsitayuhan ng negosyo rito – pakisali rin ang media (baka naman humirit pa ang “bossing-bossing” mo sa ABS-CBN!!!) para gumanda rin ang ating mga palabas, mala-sine man o pang-TV.

Aaminin ko na nga, maraming sagabal ang makaabot kay Noynoy habang nasa kalagitnaan tayo ng kanyang administrasyon.  Masasabi man na masyadong mahilig magsiganti si PeNOY kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga naging ka-alyado niya, eh paano naman ‘yung mga nagsipagyaman noong panahon ni Erap?  Pati mga KKK (Ka-klase, Kumare & Kapit-bahay)  na tumagumpay noong kapanahunan ni Mommy Cory?  Marami rin sa kanila’y nagtatakbo’t nagsisitakipan ng kani-kanilang puwet habang gumagawa siya ng mga paraan para tawiring ang daan na binaluktot ng mga nakalipas.


PeNOY lays down the gauntlet, so to say…


Sen Miriam Defensor Santiago, who can always be counted upon for a crack soundbite or two

Andyan rin mga walang kahumpay-humpay ng pagproprotesta ng mga taga-Akbayan at kung sinu-sinong mga “oposisyon”.  Di pa sila puwede iparating na mensahe na di maging mas masahol pa sa wang-wang pag magbubuhol ang trapik sa kahabaan ng Commonwealth Ave (mabuti na nga matagal na wala na ako roon!!!).

It would have been more effective if they could've sneaked a tear gas canister inside...hehehe


Protesters with “fill-in-the-blank” signs – guaranteed good for all regimes

Pati nga ‘yung matandang kumag na si Sen. Juan Ponce Enrile, inamin niya na di nga kayang lunasin nina PeNOY mga iba’t ibang suliranin rito sa ating bansa sa ika-iglap ng isang taon.

PeNOY doesn't try to present himself as one....

Maski man tawanan mo minsan ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, sa totoo lang, para sa kalusugan ng kabuuan natin, di ba?

Ginawang pambungad pa niya ang pagpapatupad muli ng kadederetsuhang paggalang na “salamat po” para sa mga araw-araw ng pinagagawa natin sa mga kababayan natin.  Ganyang ka-simpleng simple.

 Salamat po nga rin sa pagbababasa nito.

Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under Ang Pinoy Talaga!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s