Samu’t Saring Muning-Muni (da pahabol edition)

Pasensya kung medyong napatahimik muna ako sa pag-blo-blogging. Kapapa-regular na nga ako sa kasalukuyang tinatrabahuan, napasara pa ang aking LOB (line of business).  Ayun, lipat naman sa panibagong site, naninibago nga naman ako di lang sa mga kasamahan, maski man sa bagong account pero tech naman din.  Sa totoo nga, sa sobrang kong maraming pinapahabol, napipilitan kong ipasara ang aking Tumblr account.

Pati na nga pagkaroon ko ng mga rest day, maraming kong dapat gawin sa loob na bahay – lalo na nga palapit na naman ang Kapaskuhan – kaya na nga medyo gipit na ako sa oras para makipag-blog.

Nandito mga nakaraang pangyayari na napatdanan ko na hindi ko pa sinulatan na maigi.

  1. Ang pagmamayapag ng “Pinoy Pride” kuno sa katotohanang pagtalo daw ni Manny Pacquiao.
    Sa totoo lang, ganyan ang dapat ipamasdan sa karamihang di-mapapaniwalang na dapat na nga tinalunan ni Juan Manuel Marquez si Manny “Ang Pambansang Kamao™” Pacquiao.

    Namasdan mo ba kung bakit medyong napatahimik ang pagbabalik ng Ang Pambasang Kamao™ mula sa Las Vegas?  Dahil ba iyan sa kahihiyan ba o medyo napa-media fatigue na tayo sa mga kahihiyawan ng “Proud to be Pinoy”.  Oo nga, napanalo uli si Pac-Man, pero di naman napadaan sa KO, kung saan masasabi man na malinis ang pagwagi niya.  Napadaan mismo sa mga desisyon mg ila’t ilang mga huwes at pati isang sistemang binansagang “CompuBox”; masasabi mo ba di naman naimpluwensiya ba iyan ng Mafia na me malaking kinalalagyan sa itinakdang  sagupaan ni Pacquiao kina Mayweather?
  2. Pinakita ang totoong kulay ng kasulukuyang administrasyon sa pampursiging paghahabol kay dating Pangulo’t Congresistang Gloria Macapagal-Arroyo.
    Napatunayan rito na sa totoo lang, walang pinag-ibahan si Pangulo Noynoy Aquino sa kanyang ina, si dating Pangulo Corazon Cojuangco-Aquino.  Pareho nilang pinadaanan ang kakulangan ng parehos nilang administrasyon sa isang mala-zarzuelang palabas ng paghihiganti.

    Sa totoo lang, napabuti ba nga ang naging kalagayan natin nang itinakwil ang legacy ni Apo Makoy?  Nang ginawang mala-demonyo si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ng mga mediang maka-Arroyo habang ipina-house arrest, napabuti naman ang kalagayan nina Juan & Juana dela Cruz?

    When Dr. Gregory House meets Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo

    Sa sobrang pagpapahatak ng mediang maka-Aquino sa masang Pilipino, naging mistulang isang “yellow mob” na kinahihiligan natin ang pagkukuha naman ng ganti sa isang napatiwarik.

  3. Ang pagpatay ng kapatid ni Senator Bong Revilla na si Ramgen.
    Isa rin ga-telenovelang drama na pinakulo ng mga media na masyad0ng napaakit sa mala-soap operang pasikut-sikot sa kaso ng pagkapatay ng isa sa mga sangkaterbang isinilang ni  Ramon “Nardong Putik” Revilla,

    Kaybabata pa na nga, me potensyal pero di naman napatupad dahil daw sa paghihidwaan sa mga kinakapatid. At bakit pa nga – sa napakaraming anak ng artista’t dating Cavite Governor sa kung sinu’t sinong babae  – huwag kang magtataka kung me nagkaroon man ng kaselosan sa paghahati ng mana.  Sana nagpahingi ng payo si Ramon Sr. kina Dolphy –  kahit nagkaroon siya ng isang anak na kinalaboso, wala naman nagsisipatayan sa napakalaking mga ga-angkang Quizon. Napaaalala ko pa ang pagtatanggi ni Pidol noong inalukan pa siya ng puwesto sa gobyerno nina dating Presidentiable Fernando Poe Jr. at pati pa si Erap.
  4. Ang pagpapabulatlat ng kabahuan ng administrasyong Aquino-Cojuangco.

    Di mo ba namamasdan na pagkatapos man lang ipinakita ang YouTube Philippines at lalo na nga ang opisyal ng YouTube channel ng Malakanyang, nagsulpot naman itong bidyo na linikha ni Baron Buchokoy para sa PinoyMonkeyPride channel na naging viral na nga?  Di ba nga matagal na nating namamasdan – hindi lahat tayo ganyang kabulag-bulagan kahit sa karurukan ng  “Cory Magic” noong kagitnaan ng dekada ’80s.
Advertisements

Mag-iwan ng puna

Filed under Ako ako ako lahat na lang ako, Ang Pinoy Talaga!!!, BIzSYO, Hanep-buhay, Monkey Business

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s